H E A D Q U A R T E R S
63rd Infantry (Innovator) Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army
Brgy. Opong, Catubig,
8D40G 04 March 2010
PRESS RELEASE NR 14-0403
Contact: 1LT JOSEPHUS EMAR M REMPILLO (INF) PA
Public Affairs Officer/Spokesperson
E-mail add: s7_63ib@yahoo.com
Isang Mass Grave, Nadiskubre
Mondragon, Hilagang Samar: Isang Mass grave ang nadiskubre ng mga operatiba ng 63rd Infantry (Innovator) Battalion, Philippine Army sa pamumuno ni Tsg Cornelio Laure at Cpl Leoncio P Miranda bandang alas singko y medya, Ika 04 ng marso taong kasualukuyan malapit sa barangay cajecsan, Mondragon, Hilagang Samar..
Ang nabanggit na mass grave ay itinuro ng isang sibilyan sa mga kasundaluhan ng 63IB. ayon sa kanya, dito raw inilibing ng mga rebeldeng NPA ang mga dating kasamahan na napaghinalaang mga impormante ng militar at dahil na rin sa utos ng mga pinuno bilang pagsunod sa operation “Missing-Link” ng CPP/NPA dalawampung taon na ang nakalilipas..
Sa kasalukuyan, may apat na na mga bangkay ang nahuhukay ng pinagsanib na pwersa ng 63IB at mga residente barangay Cajecan ng Bayan ng Mondragon.
Patuloy pa rin ang retrieval operation na isinasagawa ng mga operatiba ng 63IB sa lugar upang mahukay pa ang iba pang mga bangkay na pinatawan ng kamatayan ng mga rebeldeng New Peoples Army.
Ayon kay ltc Joel M Paloma, ang Commanding Officer ng 63rd IB ang kanyang pamunuan ay tutulong upang mabigyan ng katarungan ang pagpatay sa mga biktima ng Operation “Missing-Link” . ani pa niya, ito ay isa sa mga paglabag ng karapatang pantao na kung saan ay dapat mabigyan ng hustisya at mahuli ang may mga pakana nito.
Nananawagan din si ltc Paloma sa mga tao na kung may mga alam pa silang mga lugar na katulad ng nadiskubring grave site o kaya mga kampo o presensya ng mga rebeldeng NPA na ipagbigay alam agad para sa agarang pagkahuli at mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga NPA. .JOSEPH/Jopal/Khajul/jigs
_________________________________________________________
Approved for Release:
LTC JOEL M PALOMA INF (GSC) PA
Commanding Officer